Salute! Lalaki namataang namimigay ng libreng face mask sa GMA, Cavite


Maraming lugar ang labis na naapektuhan dala ng pag-alburoto ng Bulkang Taal sa Batangas. Patuloy na iniinda ng mga residente sa mga kalapit-probinsiya ang makakapal na abo na ibinubuga ng aktibong bulkan.

Imahe mula kay Karmela Dasig Ramos | Facebook
Nakalulungkot mang isipin ngunit nagkakaubusan na rin ng supply ng face mask sa mga tindahan at botika dahil sa dami ng mga taong nangangailangan nito.


Sa Facebook, marami naman ang humanga sa isang lalaki matapos itong mamataan na namimigay ng libreng face mask sa mga residente sa General Mariano Alvares sa Cavite.

Imahe mula kay Karmela Dasig Ramos | Facebook

Excited itong ibinahagi ng netizen na si Karmela Dasig Ramos sa social media noong January 13. “Guys, sa tapat ng Savemore GMA may namimigay ng face mask for free,” ani Karmela sa post. “God bless sayo, kuya,” dagdag niya.

Sa larawan, makikita ang lalaki habang nag-aabot ng face mask sa mga dumaraang residente. Dala rin nito ang kaniyang sign board na may nakasulat na “Face mask for free.”

Hinangaan ito ng maraming netizens dahil sa ipinamalas niyang kabutihan at pagtulong sa mga nangangailangan.

“Alam ko ginastusan mo rin iyan kuya pero dahil dahil concern ka sa iba ipinapamigay mo lang. Saludo po sa iyo,” sabi ni LA.


“Ganyan dapat hindi yung pinakyaw ‘yung mga facemask sa mga store tapos ibebenta ng over price sa online,” ani YSN.

Imahe mula sa Department of Health (Philippines) | Facebook

“Let’s give back the favor to this humble, quiet hero. Indeed, not all heroes wear capes. Some can even be found along the streets, making a small yet relevant difference in others’ lives. Mabuhay ka, Kuya!,” ayon naman kay DSQ.


Patuloy ang pagpapaalala ng pamahalaan tungkol sa mga nararapat gawin upang proteksiyunan ang sarili sa abo na nagmumula sa aktibong bulkan. Kabilang rito ang paggamit ng face mask, dust mask, o kaya ay basang bimpo upang maiwasang malanghap ang abo na maaaring makasama sa kalusugan.

LOOK: Netizens All Praises For Modern Day Filipino Heroes Amid Taal Volcanic’s Eruption

Found this article interesting? Share it with your friends! 👍🏼

This article first appeared on Definitely Filipino.

Enjoyed the article? We are a team of volunteers who want to provide relevant and factual information. We appreciate any amount of donation to keep the inspiring stories from our team coming! 🙏

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

//otrwaram.com/afu.php?zoneid=2936865