Coco walang planong tapusin ang Probinsyano

Consistent top-rater ang primetime TV series na The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin na nagsimulang umere nung January 21, 2019 pero magtatapos sa darating na October 4.

Gustuhin man ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal na i-extend pa ang The General’s Daughter ay hindi na puwede si Angel dahil paghahandaan pa nito ang kasal nila ng kanyang fiancé, ang businessman at producer ng N2 Productions na si Neil Arce.

Ang The General’s Daughter time slot ay papalitan ng Starla, isang drama-fantasy series na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Nagtapos na sa ere last September 13, 2019 ang romantic-drama-comedy TV series na I Love You Two na tinampukan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado mula sa pamamahala ni Irene Villamor.

Inasahan na papalo nang husto sa ratings ang finale ng serye nina Gabby at Jennylyn pero umabot lamang ito sa 14% at wala pa umano sa kalahati ng The General’s Daughter ni Angel Locsin na ang rating last Friday evening ay umabot ng 31.2%

Samantala, wala pa sa plano na tapusin ang long-running and top-rating action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco dahil patuloy itong tinututukan gabi-gabi ng mga manonood.

This month of September ay four years nang namamayagpag sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano at balak pa umano ni Coco na i-guest sa nasabing TV series ang ilang Hollywood actors at sa Amerika pa mismo kukunan ang mga eksena.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.