Nora Aunor, bibida sa ‘Isa Pang Bahaghari’

Muling mapapanood sa big screen ang tinaguriang Superstar ng pelikulang Pilipino si Nora Aunor.

Ayon sa GMA Artist Center, bibida ang 66-anyos na aktres drama movie na pinamagatang “Isa Pang Bahaghari” kasama ang aktres na si Sanya Lopez at batikang aktor na si Philip Salvador.

Huling lumabas sa pelikula si Ate Gay noong 2016 sa pelikulang “Hinulid” na nakakuha ng nominasyon sa QCinema International Film Festival 2016 at Gawad Urian Awards noong 2017.

Hindi rin matatawaran ang husay ni Nora Aunor sa mga pelikulang “Himala” noong 1982, “Bulaklak sa City Jail” noong 1984, “The Flor Contemplacion Story” noong 1995 at and “Thy Womb” nito lamang 2012.

Kamakailan ay tumanggap rin si Nora Aunor ng Philippine Cinema Icon Award sa ikalawang Subic Bay International Film Festival na ginanap nito lamang Hunyo.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.