Submarine ng China na papasok sa bansa, maaari nang pasabugin ng bagong warship ng Pilipinas


Nasa bansa na ang warship ng Philippine Navy na BRP Conrado Yap, ang bagong biling barko ng pamahalaan mula sa Jonhae Naval Base sa South Korea.

Ito ang inihayag ni Philippine Fleet Commander Rear Admiral Giovanni Carlo Bacordo kung saan naghihintay na ng deployment ang nasabing karagdagang warship ng Philippine Navy.

“They arrived early morning of Sunday together with LD602, the Naval Task Force 80.5, which participated in the Navy Day of Russia and LD602. It came from Russia tapos proceeded to Korea to escort ‘yung PS39 going to Manila,” pahayag ni Bacordo.

Sa kasalukuyan, ayon sa opisyal, ay nasa Pier na sa South Harbor ang nasabing barko.

Sinabi ni Bacordo na sa Martes ay bibigyan ng arrival honors ang bagong barko at mga opisyal nito na naglayag pa mula South Korea sa pamumuno ni Navy Captain Marco Buena kasama ang halos 100 mga tripulante ng BRP Conrado Yap.

Inihayag ni Bacordo na ang BRP Conrado Yap ang magiging pinakamalakas at modernong barkong pandigma ng Philippine Navy dahil may kapabilidad ito na anti-surface, anti-submarine at anti-air warfare.

Sa kasalukuyan ay aalamin pa kung saan ide-deploy ang BRP Conrado Yap.

Ipinangalan ang barko kay Captain Conrado Yap, isang magiting na sundalong Pinoy na naging bahagi ng Philippine Expeditionary Forces to Korea noong 1950s.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

//serconmp.com/afu.php?zoneid=2936827