Good news! Prepaid cellphone load aabot na ng isang-taon ang expiration!


Ang nilagdaang joint memorandum circular ng DTI, DICT, at NTC ay inaasahang ipatutupad sa pagpasok ng Enero taong 2018.

Ayon sa DTI, ang naturang kasunduan ay ang mas pinalawig na bersyon ng Memorandum Circular No. 03-07-2009 o mas kilala sa tawag na “Guideline on Prepaid Loads” na nagtatakda ng expiration date ng prepaid load na nakadepende kung kailan ito binili.

Pero sa bagong kautusan ay aabot na sa isang taon ang expiration ng bawat prepaid load kahit magkano o kailan pa ito binili.

Ayon kay DICT officer-in-charge Eliseo Rio Jr, ang naturang pagbabago ay maituturing na isang “happy compromise” para sa mga consumer at telco companies.

“Here we came up with a happy compromise in balancing the interest of the consumers and the telcos. This is DTI’s initiative and we supported this,” ani Rio.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.